-- Advertisements --
image 366

Nalagpasan ng Lungsod ng Makati ang target collection nito sa tatlong unang kwarter ng 2023 matapos maabot ang mahigit P20 billion na tax collection.

Ayon kay Mayor Abby Binay, ang P20 billion na collection ay 13% na mas mahigit kumpara sa target nitong makulekta.

Ito rin ay 21% na mas mataas kumpara sa nakulektang tax sa unang tatlong kwarter ng 2022.

P11 billion mula rito ay galing lamang sa mga malalaking negosyo sa ilalim ng Makati City kung saan ang business tax collection ay natukoy na umangat ng 40% ngayong taon.

Sa kasalukuyan, mayroong 3,791 na bagong rehistradong negosyo sa Makati habang 35,440 na ang natukoy na nag-renew ng kanilang mga business permit.

Ayon kay Mayor Binay, Ang mga ito ay sinyales ng gumagandang ekonomiya sa lungsod, kasama na ang mataas na kumpiyansang mamuhunan dito ng mga negosyante sa bansa.