-- Advertisements --

Nahulian ng 3.7 kilos na cocaine ang isang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport.

Kinilala ang suspek na si Stephen Jozeph Szuhar, 75-anyos mula sa US na dumating sa bansa nitong Martes ng gabi.

Nakuha dito ang nasabing droga na nagkakahalaga ng mahigiit P19 milyon.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mayroon silang nakuhang impormasyon na may dalang droga ang suspek.

Depensa ng suspek na ipinadala lamang sa kaniya ang bagahe at wala itong kaalam-alam na mayroong kargang droga ito.

Nakakulong na ang suspek at ito ay nakatakdang sampahan ng kaso.