Mahigit P19.2 million na halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam sa iba’t ibang bodega at tindahan sa Metro Manila, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).
Sinabi ng kawanihan na ang mga pekeng produkto”ay binubuo ng mga pekeng pabango, tuwalya, at damit na panloob na nagkakahalaga ng P19,201,700.00.”
Ang mga pekeng produkto ay nasamsam sa mga operasyong isinagawa ng NBI-National Capital Region (NBI-NCR).
Sinabi nito na naglabas ang NBI-NCR ng Search Warrants laban sa dalawang (2) warehouses na matatagpuan sa Caloocan City at Valenzuela City, dalawang (2) tindahan sa Baclaran Terminal Plaza 1, dalawang (2) tindahan sa Carriedo Plaza; at isang tindahan sa Two Shopping Center.
Idinagdag nito na ang mga warrant ay inilabas batay sa complaint file sa harap ng NBI-NCR na humihiling ng imbestigasyon at itigil ang paglaganap at pamamahagi ng mga pekeng produkto.