-- Advertisements --
image 60

Sinira ng mga otoridad ang nasa Php14.3 milyon na halaga ng full-grown marijuana plant sa iba’t-ibang bahagi ng Cordillera Region.

Ito ay matapos ang ikinasang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng kapulisan katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob ng 17 araw mula November13 hanggang November 30, 2022.

Sa ulat, nasa 71,105 fully grown marijuana plants at nasa 2,100 marijuana seedlings naman na may katumbas na street value na Php 14,305,000.00 ang nasira ng kapulisa sa isinagawa nilang 19 police operations.

Ayon kay PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. ang resultang ito ng kanilang operasyon ay bunga ng kanilang mas pinaigting pa na kampanya kontra ilegal na droga kung saan kabilang sa kanilang pinagtuunan ng pansin ngayon ay ang supply reduction ng droga sa bansa.

Samantala, kaugnay nito ay binati naman ni Azurin ang Regional Director ng PRO Cordillera na si PBGen. Mafelino Bazar, kasabay na rin ng kaniyang panawagan sa mga counterpart nito na tugunan na rin ang mga suliranin nito sa ilegal na droga sa kani-kanilang komunidad.