-- Advertisements --
informants

Nasa mahigit P10.2 million monetary reward ang ibinigay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa 13 mga confidential informants.

Ang mga informants ang siyang nagbigay ng impormasyon sa PDEA na nagresulta para maging matagumpay ang 22 mga anti-drug operations ng ahensiya kung saan bultu-bultong mga iligal na droga ang kanilang nasabat.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang pagbibigay nila ng financial incentives sa kanilang mga confidential informant ay nakapaloob sa PDEA “Operation Private Eye” na isang citizen-based information collection program na dinisenyo para hikayatin ang mga private citizens na ireport ang mga illegal drug activities sa kanilang mga komunidad.

Mismong si Dir. Gen. Villanueva ang personal na namahagi ng monetary rewards sa mga informants na kinilala sa kanilang mga code names.

Ang mga nasabing informants ay nakasuot ng mask para maprotektahan ang kanilang identity.

Kahapon isinagawa ang awarding ceremony sa PDEA National Headquarters sa Quezon City.

Sinabi ni Villanueva, ang Private Eye Rewards Committee ay binubuo ng mga miyembro mula sa academe, non-government organizations, law enforcement, religious at business sectors, na siyang nagsasagawa ng deliberation at nag-aapruba kung mabigyan ng cash rewards ang mga confidential informants.

Una ng inihayag ni Villanueva na bago pa bumaba sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte ay matigil na ang pamamayagpag ng iligal na droga sa bansa.

“Operation Private Eye” is an incentivized program to embolden the citizenry to come out in the open and report illegal drug activities happening in their neighborhood with guarantees of anonymity, confidentiality and security,” pahayag ni Villanueva.