NAGA CITY- Sa kulungan ang bagsak ng isang drug personality matapos makunan ng halos P1 milyong halaga ng droga sa lungsod ng Naga.

Kinilala ang suspek na si Eric Labalan at Marcelino Antonio.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay P/SMS Tpbby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office (NCPO), sinabi nitong subject ng naturang drug operation si Labalan ngunit naabutan pa ng mga otoridad ang kasamahan nitong si Antonio.

Ayon kay Bongon, unang nakabli ang puseur buyer ng nagkakahalaga ng P50,000 na iligal na droga ngunit nakuhab pa sa posisyon nito ang nasa 150 grams ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga naman ng mahigit sa P1-M.

Nabatd na konokonsidera bilang Number 2 sa Target list ng NCPO-Station 2 si Labalan habang Newly Identified Drug Personality naman ang kasamahang si Antonio.

Sa ngayon nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.