Aabot na sa mahigit 9,000 liters ang nakolektang oily water mixture sa mga lugar na apektado ng oil spill sa bahagi ng Oriental Mindoro.
Sa isang statement ay iniulat ng Philippine Coast Guard na nakapagtala ito ng 9,463 liters ng oily water mixture at 115 sako ng oil-contaminated materials ang kanilang nakolekta mula sa isinasagawa nitong offshore response operations, habang nakapagkolekta naman ito ng nasa 137 sako ng oil-contaminated materials sa lugar.
Dahil dito ay pumalo na sa 3,514.5 sacks at 22 waste drums ang kabuuang bilang ng nakolekta ng PCG na kontaminado ng langis mula sa 13 mga apektadong barangay tulad ng Naujan, Bulalacao, at Pola sa Oriental Mindoro mula noong Marso 1 hanggang Marso 26.
Kung maaalala, una rito ay nagbabala na rin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa banta ng posibleng pagbaba ng supply ng isda dulot pa rin ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress.
Habang iniulat din ng Department of Tourism na nasa 61 tourist sites ang apektado nito, kasabay ng pagbababala ng University of the Philippines Marine Science Institute na posibleng makaabot na sa northern Palawan na mayroong mahigit 36,000 hectares ng marine habitat ang epekto ng anasabing oil spill