-- Advertisements --
Dumating sa bansa ang nasa 936,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines para sa mga bata.
Ang nasabing bakuna ay donasyon mula sa gobyerno ng Australia sa pamamagitan ng UNICEF.
Pasado alas-nuebe nitong Biyernes ng gabi ng lumapag ang eroplanong sinakyang ng mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport.
Ito na ang pangatlo sa apat na shipment na donasyon ng Australia ngayong buwan at mayroon ng kabuuang 3 milyong mga bakuna ang naibigay bilang donasyon.