Aabot sa 966 Filipino veterans ng World War 2 ang makikiisa sa paggunita ng Araw ng Kagitingan at ika-82 anibersaryo ng Fall of Bataan.
Ayon sa Philippine Veterans Administration Office, patuloy na nakakatanggap ng monthly pensions at benefits, kabilang na ang libreng hospitalization at health services.
Samantala, bukod dito ay mayroon din 16,899 na mga-asawa ng mga WW2 veteran ay nakakatanggap din ng kanilang pension.
Matatandaan na ang naturang mga Filipino veterans ay kabilang sa mga sundalong nakipaglaban para sa bansa noong panahon ng pananakop ng Japan sa Pilipinas noong Disyembre 8, 1941.
Habang noong Abril 9, 1942 naganap ang Fall of Bataan na sinundan din ng Bataan Death March Kung saan maraming mga Pilipino at Amerikanong sundalo ang nasawi.
Dahil dito ay idineklara bilang holiday sa buong bansa ang Abril 9 bilang pagbibigay-pugay sa mga Pilipino at Amerikanong sundalo kabilang na ang mga guerilla na nakipaglaban din sa mga mananakop ng Japan noong WW2.