-- Advertisements --

Umaabot na umano sa mahigit 900 mga bangkay na pawang mga sibilyan na nakatira sa paligid ng Kyiv ang narerekober mula nang umatras ang Russian army.

Ayon sa pinuno ng Kyiv regional police na si Andrii Niebytov ang naturang mga bangkay ay isinailalim na sa pagsusuri at inilipat sa forensic medical institutions.

Iniulat ni Niebytov na kabilang sa mga labi ay narekober sa village ng Shevchenko.

Ang iba aniya sa mga ito ay nakaranas ng torture at binaril pa.

Kabilang aniya sa mga bangkay na binaril ay mga taong nakasuot pa ng white armbands upang protektahan sana sila mula sa Russian forces.

Gayunman, hindi raw sa lahat ng pagkakataon ay epektibo ito sa mga occupiers.