-- Advertisements --
BAGYONG KARDING PANTALAN STRANDED

Aabot sa mahigit 85,000 na mga pasahero sa mga pantalan sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas ang naitala ng Philippine Coast Guard ngayong araw.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng PCG, mula kaninang alas-6:00am hanggang alas-12:00nn ngayong araw ay pumalo na sa 46,394 na mga outbound passengers, habang nasa 39,039 na mga inbound passengers ang kanilang namonitor sa lahat ng mga pantalahan sa buong bansa.

Kaugnay nito ay nag-deploy rin ng nasa 2,692 na mga frontline personnel na nag-inspeksyon naman sa 414 na mga vessels, at 445 na motorbancas sa 15 PCG District nito.

Kung maaalala, una nang itinaas ng pamunuan ng PCG ang kanilang mga districts, stations, at sub-stations sa “heightened alert” mula noong Agosto 22 na magtatagal hanggang Setyembre 1, 2023 bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan para sa muling pagbubukas ng School Year 2023-2024 sa Pilipinas.

Samantala, kasabay nito ay patuloy naman ang panawagan ng mga kinauukulan sa publiko na patuloy na makipag-ugnayan sa PCG para sa anumang inquiries, concerns, at clarification ng mga ito hinggil sa sea travel protocols at regulations sa bansa.