-- Advertisements --
image 195

Inaasahang magbubukas ang hanggang 800,000 na job oppurtunities sa Taiwan, para sa mga dayuhang manggagawa.

Ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO) labor Officer Cesar Chavez Jr, posibleng bubuksan ito ng Taiwan pagsapit ng Disyembre ng kasalukuyang taon.

Sinabi pa ng opisyal na pangunahing pinipili ng mga employers at mga kumpanya mula sa naturang estado ay mga Pinoy workers.

Kabilang sa mga sektor na inaasahang magkakaroon ng malaking pangangailangan ng mga Pinoy workers ay ang industry at electronics sector.

Maliban dito, malaki rin aniya ang pangangailangan ng Taiwan ng mga Pinoy English teachers, na may alok na sahod na naglalaro mula P70,000 kada buwan para sa mga hindi pumasa sa licensure exam, habang P130,000 kada buwan para sa mga lisensyado.

Sa kasalukuyan, mayroong 200,000 pinoy workers na nasa Taiwan.