Umabot na sa 8.7 milyon ang bilang ng mga batang nabakunahan laban sa tigdas at polio sa ilalim ng kampanyang “Chikiting Ligtas” ng gobyerno, ayon sa ulat ng Department of Health.
Inilunsad ng ahensya ngayong buwan ang isang pandagdag na kampanya ng pagbabakuna sa buong bansa upang mabigyang prayoridad ang mga kabataan laban sa mga sakit na maiiwasan sa bakuna.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na nasa 6,750,475 milyon ang nabakunahan laban sa tigdas, o 69.56% ng kabuuang populasyon.
May 2,024,747 na bata naman ang nakatanggap ng bakunang polio, o 67.72% ng mga kabataan.
Bukod pa rito, namahagi ang ahensya ng vitamin supplement A sa 3,471,940 na bata.
Batay sa pinakahuling pandaigdigang ulat ng UNICEF, humigit-kumulang 67 milyong bata ang bahagyang o ganap na nakaligtaan ng mga nakagawiang bakuna sa buong mundo sa pagitan ng 2019 at 2021.
Una na rito, ang Pilipinas ay mayroong 1,048,000 zero dose na bata na kung saan pangalawa sa pinakamataas sa East Asia at Pacific Region, at ang ikalimang pinakamataas sa buong mundo.