-- Advertisements --

Nakatakdang kumuha ang isang kumpanya sa US ng 75,000 na mga marino mula sa Pilipinas.

Ito ang isa sa mga resulta ng ginawang pagpupulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pangulo at chief executive officer ng Carnival Corporation na si John Padget.

Pinuri ni Padget ang walang katulad na sipag at pagtatiyaga ng mga Filipino sa kanilang mga trabaho.

Ibinahagi rin ni Deparmtent of Migrant Workers Secretary Susan Toots Ople na mayroong mahigit 200,000 Filipinos ang sumusunod sa pantay at ethical standards at principles ng mga international na kumpanya.