-- Advertisements --
typhoon karding victim

Nasa mahigit 700 na pamilya pa raw sa ngayon ang nananatili sa mga evacuation centers matapos manalasa ang bagyong Karding noong nakaraang linggo.

Ayon yan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 756 pa ang bilang ng mga pamilya o katumbas ng 3,521 na indibidwal ang nananatili sa evacuation centers.

Batay sa tala ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, ngayong araw ay mayroon na lang 25 evacuation centers ang okupado sa mga apektadong rehiyon.

Nadagdagan pa at umakyat sa 7,422 na kabahayan ang napaulat na totally damaged habang 38,609 naman ang partially damaged.

Kaugnay nito, ay nakapamahagi na ang DSWD at LGUs ng P53-milyong halaga ng assistance sa mga apektadong lugar.