Lomobo pa ang bilang ng mga indibidwal sa buong mundo na tinatamaan ng pinangangambahang monkeypox virus.
Batay sa US Center for Disease Control and Prevention (CDC) nasa mahigit 700 na ang kaso ng monkeypox virus sa buong mundo kung saan 21 dito ay naitala sa United States at lumalabas sa mga pagsisiyasat na kumakalat na ito sa iba’t ibang lugar sa kanilang bansa.
Napag-alaman base sa bagong report na inilabas ng CDC na nasa 16 mula sa 17 kaso sa Amerika na natukoy na kalalakihan ay nagkaroon ng sexual intercourse sa kapwa lalaki at 14 naman ang pinaniniwalaang may kinalaman sa kanilang travel history.
Ayon kay Jennifer McQuiston, deputy director of the CDC’s Division of High Consequence Pathogens and Pathology, na may ilang mga kaso sa US na inuugnay sa mga known cases at may kaugnayan sa kanilang pagbiyahe.
Patuloy na dumarami rin ang naitatalang kaso ng monkeypox sa Europe mula noong Mayo.
Naglabas din ng datos ang canada nitong Biyernes kung saan nasa 77 na ang kanilang kumpirmadong kaso ng monkeypox karamihan ay nadetect sa Quebec province.
Iniuugnay ang paibagong pagkalat ng virus sa gay festivals sa Europe, bagamat pinaniniwalaan na ang monkeypox ay hindi sexually transmitted disease at ang main risk factor ay ang pagkakaroon ng close skin to skin contact sa isang indibidwal na mayroong monkey pox sores.
Sa kasalukuyan mayroong dalawang authorized vaccine para sa virus , ang ACAM2000 at JYNNEOS na orihinal na dinivelop para sa smallpox.