Mahigit 700 airmen mula sa iba’t-ibang unit ng Philippine Air Force at United States Air Forces ang sumabak sa bilateral military exercises sa Basa Air Base sa Pampanga.
Ito ay sa pag-arangkada ng Cope Thunder exercises 2024 sa pagitan ng mga Hukbong Panghihimpapawid ng Pilipinas at Estados Unidos kahapon.
Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Ma. Consuelo Castillo, layunin nito na mapaigting pa ang kahandaan ng dalawang hukbo sa pagsasagawa ng field exercises sa pamamagitan ng air and ground operations, logistics, at iba pang mission support planning and execution.
Sabi ni PAF Commander MGen. Fabian Pedregosa, ang naturang pagsasanay ay bahagi ng hindi matitinag na commitment ng kanilang hukbo sa international allies nito sa pagpapalakas pa sa interoperability ng dalawang bansa.
Samantala, inaasahan naman na magtatagal ang naturang military exercises hanggang sa Abril 19, 2024 kung saan gagamitin din ang FA-50 fighter jets ng Philippine Air Force, at ang F-16 at C-130J aircraft ng United States Air Forces.