-- Advertisements --
PORTS

Aabot sa mahigit 65,000 na mga pasahero sa mga pantalan sa bansa ang namonitor ng Philippine Coast Guard ilang araw bago ang gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023, at Undas.

Batay sa pinaka huling datos na inilabas ng PCG ngayong araw, Oktubre 26, 2023, nasa 35,364 outbound passengers, at nasa 30,762 naman na mga inbound passengers ang naitala nito sa lahat ng mga pantalan sa buong Pilipinas.

Samantala, kaugnay nito ay nagpakalat naman ng 3,022 na mga frontline personnel ang PCG sa 15 districts nito na pawang nag inspeksyon naman sa 569 vessels, at 541 motorbancas.

Kung maaalala, una rito ay inilagay na sa heightened alert ang buong hanay ng PCG kabilang ang mga district, stations, at sub-stations ng mga ito sa heightened alert mula noong Oktubre 25, 2023 at magtatagal naman hanggang Nobyembre 6, 2023 para naman magbantay sa seguridad at kapayapaan ng mga pasaherong inaasahang dadagsa sa mga pantalan kasabay ng papalapit na long weekend.