
Apektado ang nasa 61,000 katao o mahigit 14,000 pamilya dahil sa pagbaha sa iba’t ibang lugar sa Davao region.
Base sa update mula sa Office of the Civil Defense (OCD) Joint Information Center, nasa mahigit 5,000 indibidwal o 1,495 pamilya ang inilikas dahil sa nararanasang pagbaha.
Nasa 1,700 indibidwal o 451 pamilya naman ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers.
Samantala, sa inisyal na damage assessment ng ahensiya umaabot sa mahigit P105.2 million ang naitala ng pinsala sa rehiyon.
Mayroong limang kabahayan ang bahagyang nasira at 2 bahay naman ang nawasak dahil sa baha.
Nakaranas din ng power interruption ang isang bayan doon.
Bilang tugon, nakapagpaabot na ng nasa mahigit P2.5 million halaga ng financial assistance sa mga biktima sa Carmen, Davao del Norte.










