-- Advertisements --

Nakatakdang magtapos ang kabuuang 62,185 na pamilyang benepisyaryo mula sa Central Luzon sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang mahigit 60,000 na benepisyaryo ay nakitaan na ng pagbuti sa kalidad ng kanilang buhay.

Gayonpaman, tiniyak pa rin ng ahensiya na magpapatuloy ang isasagawang pagtulong sa mga ito kahit matapos na sila sa 4Ps, upang matiyak na magtutuloy-tuloy ang pag-unlad ng kanilang buhay.

Ayon sa ahensiya, tutulong ito para magkaroon ng sapat na pagkakakitaan o hanapbuhay ang mga 4Ps kasunod ng kanilang pagtatapos sa naturang programa.

Sa kasalukuyan, iniulat ng DSWD na mayroon nang 271,974 na pamilya ang natulungan sa buong Gitnang luzon kung saan umabot na sa mahigit P1 billion ang naibigay bilang suporta.