-- Advertisements --
Mayroong 639 na mga bus ang nabigyan ng special permit ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para makabiyahe ngayong panahon ng Kapaskuhan hanggang Bagong Taon.
Inaasahan kasi ng LTFRB na magkukulang ang bilang ng mga bus dahil sa tumaas ang bilang ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya.
Ang nasabing special permit ay maaaring gamitin ng hanggang Enero 15 para may masakyan ang mga mamamamayan na babalik sa Metro Manila.
Sa kabuuang 734 na mga bus ang nag-apply ng special permit ay mayroon lamang 639 ang kanilang naaprubahan.









