BOMBO DAGUPAN -Matagumpay na isinagawa ang tinatayang nasa mahigit 600 drug Operations sa Region 1.
Ayon kay DIR III Joel Plaza, Regional Director ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 1, nakamit ang katagumpayan na ito dahil na rin sa magandang kooperasyon ng kumunidad sa naturang ahensya, hanay ng kapulisan, Munisipalidad at Provincial unit.
Dagdag pa nito, umabot naman sa bilang na 721 ang kanilang mga naaresto at tinatayang nasa mahigit 1,400 naman ang nai-file na mga lumabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o mas kilala sa REPUBLIC ACT NO. 9165.
Isinalarawan naman ni Joel na mas mababa ang datos na naitatala sa rehiyon uno kung ikukumpara sa Metro Manila.
Layunin aniya ng kanilang ahensya na mapabilang ang kanilang nasasakupan sa drug cleared status.
Kaugnay nito, patuloy parin ang pagsasagawa ng mga symposium, seminars at information dissemination sa bawat bayan nang sa gayon ay mabigyang kaalaman ang publiko partikular na ang mga residente patungkol sa paglaban sa iligal na droga.
@