-- Advertisements --
image 85

Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na kasado na ang mahigit $6 million na pondo na gagamitin para sa feasibility studies ng railways projects ng gobyerno.

Ito ay kasunod na rin ng direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong nakalipas na taon kaugnay sa plano ng administrasyon na pagbuhay sa railway industry kabilang dito ang kontruksiyon ng Panay Railway, Bataan Railway at North Long Haul Interregional Railway na magkokonekta sa Ilocos at Cagayan patungong National Capital Region.

Kasabay ng paglulunsad ng Metro Manila Subway Project tunnel boring machine na idinaos sa Valenzuela City, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang techinical studies para sa mga nasabing railways ay sisimulan na sa mga susunod na buwan.

Liban pa dito, ibinahagi ng kalihim na nakapag-secure na rin ng mga pondo para sa feasibility studies para sa San Mateo Railway, the Northern Mindanao Railway, at Philippine Transport System Master Plan.