-- Advertisements --

Nagpalipas ng magdamag sa Delpan covered court ang nasa 500 na pamilya na naapektuhan ng sunog sa Isla Puting Bato, sa Tondo, Maynila.

Ang sunog na itinaas sa ikatlong alarma ay ilang oras bago ito tuluyang nakontrol ng mga bumberong rumesponde.

Bahagyang nahirapan ang mga bumbero dahil sa sikip ng daanan sa nasabing lugar.

Patuloy na inaalam pa rin ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing malaking sunog sa lugar.