-- Advertisements --

Nasa kabuuang 58 traffic violators sa EDSA ang naitala ng Metropolitan Manila Development Authority nitong Biyernes, Enero 12, 2024.

Sa datos na inilabas ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation, kahapon nasa sampung motorista ang naisyuhan ng traffic violation tickets nang dahil hindi otorisadong paggamit ng EDSA busway matapos ang operasyon isinagawa ng naturang komite sa bahagi ng Ortigas at Magallanes.

Mayroong 36 na mga motorista rin ang nahuli sa nasabing lugar nang dahil din sa paglabag sa traffic signs.

Pito naman ang arestado nang dahil sa obstructions, habang lima naman ang nahuli nang dahil sa pagsasakay ng mga pasahero sa mga hindi otorisadong lugar.

Kung maaalala, nitong Huwebes lamang ay may nahuli rin ang mga tauhan ng MMDA na mag sasakyang pag-aari ng isang senador at kongresista nang dahil sa paggamit ng EDSA Busway.

Paliwang ng ahensya, piling mga opisyal lamang kasi ng gobyerno ang pinahihintulutang gumamit nito, tulad ng President, Vice President, Senate President, Speaker of the House of Representatives, at Chief Justice of the Supreme Court.

Habang tanging ang mga on-duty ambulance, fire trucks, at police cars lamang ang pinahihintulutan ding makagamit ng EDSA Busway.

Samantala, kaugnay nito ay muli namang ipinaalala ng MMDA na sa ilalim ng Regulation No. 23-002 ng ahensya ay tinaasan pa ang multa sa bawat paglabag sa traffic violation ng parehong public at private vehicles kung saan nagkakahalaga sa Php5,000 ang sisingilin para sa first offense;

-Second offense – P10,000 plus one month suspension of driver’s license, and required to undergo a road safety seminar

-Third offense – P20,000 plus one year suspension of driver’s license

– habang sa Fourth offense – P30,000 plus recommendation to Land Transportation Office for revocation of driver’s license.