-- Advertisements --

Aabot sa 51 katao na ang nasawi sa malawakang pag-ulan at baha sa central Vietnam.

Dahil sa ilang araw na pag-ulan ay nalubog ang mahigit 52,000 na kabahayan kung saan may naiulat na siyam na katao ang nawawala.

Mahigit kalahating milyong mga kabahayan at establishimento ang nawalan din ng suplay ng kuryente.

Mula pa noong Enero hanggang Oktubre ay aabot na sa mahigit $2 bilyon ang pinsala na dulot ng mga malalakas na bagyong dumaan sa nasabing bansa.