-- Advertisements --
Aabot na sa mahigit 50,000 na mga Palestinians ang nakaalis na sa Gaza City.
Ito ay matapos na buksan ng Israeli forces ang Salah el-Din street ang pangunahing kalsada patungo sa southern Gaza Strip.
Binuksan ito ng Israel ng hanggang limang oras na mas mahaba ng isang oras kumpara noong nakaraang araw.
Magugunitang sinabi ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na kinokonsider nila ang bahagyang paghinto ng operasyon para bigyan daan ang pagpasok ng humanitarian aid sa Gaza Strip.