Iniulat ng Armed Forces of the Philippines na aabot sa 50 Chinese vessels ang namataan nito sa West Philippine Sea kahapon, Marso 11, 2024.
Batay sa naging monitoring ng AFP sa naturang pinag-aagawang teritoryo, bandang alas-4:00pm kahapon, Marso 11, mayroong pitong China Coast Guard, 18 Chinese maritime militia vessels, 29 na maliliit na Chinese fishing boats ang kanilang nai-spot-an sa mga isla at features na nasasakupan ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Margareth Francel Padilla, ang mga ito ay namataan sa Bajo de Masinloc shoal, Ayungin Shoal, Pagasa Island, at Panatag Island.
Samantala, bukod dito ay iniulat din ni Col. Padilla na tuloy pa rin ang pagsasagawa ng AFP ng rotation and resupply mission sa lahat ng features sa western section ng EEZ ng ating bansa.
Kasalukuyan na rin aniyang pinaghahandaan ng kasundaluhan ang ikakasa nitong RORE mission sa Pagasa, Kota, Panatag, at Parola shoal unang linggo ng buwan ng Abril.
Kung maaalala, kamakailan lang muling nakaranas ng panghaharass ang mga barko ng Pilipinas sa kamay ng China Coast Guard matapos itong muling magsagawa ng dangerous maneuvers, blocking, at pangbobomba n water cannon sa ating barko sa kasagsagan ng ating isinasagawang rotation and resupply mission sa West Philippine Sea.