-- Advertisements --

Aabot sa 5,559 na kapulisan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ipapakalat para sa Pista ng Poong Itim na Nazareno.

Sinab ni NCRPO Chief Police Major General Jonnel C. Estomo na katuwan nila ang nasa 175 na miyembro ng Bureau of Fire Protection at ilang force multipliers.

Gaya aniya ng mga nakagawian ay ipinapatupad nila ang no-fly zone, gun ban at liquor ban hanggang matapos ang kapiyestahan.

Nilinis na rin ng mga kapulisan ang ilang lugar na nakapalibot sa Quiapo Church para hindi na sila maging sagabal sa gagawing Walk of Faith na ipinalit ngayon sa taunang Traslacion.