-- Advertisements --
FACEMASK 1

Nakapagtala ang Pilipinas ng 4,456 bagong kaso ng COVID-19 sa huling linggo ng buwan ng Abril batay sa latest case bulletin ng Deaprtment of Health (DOH).

Mula Abril 24 hanggang 30, nakapag-detect ng nasa average na 637 kaso ng COVID-19 na 42% na mas mataas kumpara sa naitala noong nakalipas na linggo.

Sa bagong mga nagpositibo sa virus, nasa 22 kaso ang ikinokonsiderang severe o critical.

Sa nakalipas din na linggo walang naitalang nasawi sa sakit ang DOH.

Samantala, base naman sa latest monitoring ng OCTA Research, nakapagtala ng mataas na COVID-19 positivity rate o porsyento ng nagpopositibo sa virus mula sa mga nasuring indibidwal sa apat na probinsiya sa Luzon.

Ito ay bilang resulta ng pagsipa ng bilang ng mga nahawaan sa sakit.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, ikinokonsiderang mataas ang positivity rate sa probinsiya ng Camarines Sur na pumalo sa 39.7% noong Abril 29, probinsiya ng Rizal (28.5%), Cavite (28.1%) at Laguna (21.2%).

Tumaas din ang positivity rate sa Metro Manila mula sa 10.2% noong Abril 22 hanggang sa 17.2% noong Abril 29.

Una ng inihayag ni Dr David na na ang COVID-19 omicron subvariant na Arcturus na kumakalat ngayon sa bansa ang posibleng dahilan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Para maikonsiderang kontrolado pa rin ang hawaan ng virus sa isang lugar itinakda ng World Health Organization (WHO) ang benchmark para sa COVID-19 positivity rate na mas mababa sa 5%.

Sa pinakahuling datos noong Abril 30 base sa COVID-19 Tracker ng DOH, pumapalo na sa 5,875 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, kabuuang mahigit 4.09 million covid-19 infections na ang naitala ay nasa 66,444 ang kabuuang death toll mula sa virus.