-- Advertisements --
Aabot na sa $411 bilyon ang maaaring gastusin sa pagbangon ng Ukraine dahil sa ginawang pag-atake ng Russia.
Ito ang naging pinakabagong assessment ng World Bank.
Ang nasabing halaga ay mas mataas kumpara noong nakaraang taon sa pagtaya ng World Bank na aabot lamang sa $135 bilyon.
Ilan sa mga lugar na labis na naapektuhan ay ang Donetsk, Kharkiv at Luhansk na nasira ang maraming gusali, energy facility at mga commercial area.