-- Advertisements --
Papalo sa humigit kumulang 400 motorista ang nabigyan ng ticket ng mga otoridad dahil sa kanilang traffic violations simula noong isinailalim na ang National Capital Region (NCR) sa general community quarantine (GCQ) noong Hunyo 1.
Ayon kay Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) National Capital Region (NCR) director Police Colonel Wilson Doromal karamihan sa mga violations na naitala ay tungkol sa paggamit ng maling lanes.
Samantala, marami rin aniya silang nakumpiskang mga plaka, blinkers, at iba pang unauthorized gadgets sa mga sasakyan.









