Plano ng pamahalaan ng Taiwan na bumili ng 400 land-based missiles mula sa Estados Unidos.
Batay sa report, mayroon nang isang inilabas na kontrata sa pagitan ng Taiwan at US Naval Air Systems Command para maumpisahan na ang paglilipat sa mga missile.
Sa ngayon, pinapabilisan na umano ng US ang delivery sa mga nasabing missile, dala pa rin ng tumitinding tension sa pagitan ng China at Taiwan.
Matatandaang nauna nang nakipagpulong si Taiwan President Tsai Lang-wen kay US Houske Speaker Kevin McCarthy kung saan kabilang sa kanilang pinag-usapan ay ang posibilidad ng arms deal sa pagitan ng dalawa.
Nauna rito, una nang bumili ang taiwan ng mga ship-launched version ng mga missile mula pa rin sa US.
Maliban sa mga nabanggit na missile, plano rin ng Taiwan na makabili pa ng mga Boeng-made Harpon anti-ship missile na magagamit nito sa ginagawang Military Modernization Program.