Mahigit sa 40 katao ang namatay sa patuloy pang lumalawak na wildfires habang libu-libo na ang inilikas sa Algeria.
Ang kalapit na Greece ay naghahanda na rin para sa higit pang mga paglikas na flight mula sa Rhodes, dahil ang mga sunog ay nagngangalit at patuloy pang sumisiklab at umaabot na sa mga isla ng Corfu at Evia.
Dagdag dito, ang kasalukuyang mahabang heatwave ay inaasahang tataas pa sa mahigit 44C sa ilang bahagi ng Algeria, Greece at Italy.
Ang mga sunog na kumakalat sa Sicily ay nagpilit sa buong Italy na pansamantalang isara ang paliparan ng lugar ng Palermo.
Ang malakas na hangin at tinder-dry na mga halaman ay isa sa dahilan kaya nahihirapan ang mga bumbero na apulahin ang apoy.
Ang pinakamataas na bilang ng nasawi sa ngayon ay sa Algeria, kung saan ang mga biktima ay kinabibilangan ng 10 sundalo.
Sinabi ng mga awtoridad ng Algeria na 80% ng mga sunog ay naapula na ngunit patuloy ang malawakang pagsiklab nito dahil sa epekto ng matinding init sa nasabing mga lugar.