-- Advertisements --

Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na magtatalaga sila ng 37,750 na mga pulis sa ilalim ng Oplan Balik-Eskwela 2025–2026,
sa buong bansa bilang bahagi ng ligtas na pagbubukas ng klase sa Lunes, Hunyo 16, 2025.

Ayon sa PNP, babantayan ng mga pulis ang nasa 45,974 na kabuuang paaralan kabilang dito ang 38,292 na mga public schools at 7,682 na private schools.

Magkakaroon din ng 5,079 na mga police assistance desk na pangangasiwaan ng 10,759 pulis, habang 10,687 ang magsasagawa ng mobile patrols kasama pa ang 16,366 na foot patrols.

Sa datos ng Polisya pinakamalaking deployment ng mga pulis ay nasa Central Visayas na mayroong 7,366 pulis, Metro Manila: 4,323, Bicol Region: 2,962, Eastern Visayas: 2,376, at Bangsamoro Region: 2,898 pulis para sa 657 na paaralan.

Una naritong sinabi ni PNP Chief Gen. Nicolas Torre III, na ang kaligtasan ng mga estudyante, guro, at mga school staff ang kanilang pangunahing layunin para sa pagsisimula ng klase.

Samantala ayon pa sa PNP, generally peaceful ang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa buong bansa.