-- Advertisements --
image 240

Nakatakdang ipatayo ng National Housing Authority(NHA) ang kabuuang 3,651 housing units sa mga lalawigan ng Laguna at Quezon sa CALABARZON Region.

Ang mga naturang pabahay ay ibibigay sa mga pamilyang maapektuhan ng ng Philippine National Railways (PNR) South Long-Haul Project-Segment 3.

Sinabi ni NHA General Manager Joeben Tai na ibibigay ang mga naturang pabahay na may kumpleton pasilidad para sa mga maninirahang pamilya.

Kinabibilangan ito ng mga paaralan, covered court, palengke, health center, training facilities, material recovery facility, police outpost, at terminal.

Bagaman ang mga naturang pabahay ay bilang suporta sa mga pamilyang maapektuhan sa Philippine National Railways at South Long-Haul Project-Segment 3, ito ay bahagi na rin ng programang Build Better and More Housing ng NHA.

Sa inisyal na listahan ng NHA, 1,099 units ang itatayo sa Laguna, 620 naman ang itatayo sa Tiaong, Quezon; 619 sa Candelaria, Quezon; 663 Sariaya, Quezon; at 650 unit sa Pagbilao, Quezon.