
May humigit-kumulang 31,000 household customer ng Manila Water Company Inc. ang makararanas ng water service interruptions ngayong araw ng Huwebes.
Ito’y habang ang water concessionaire ay nagsasagawa ng emergency leak repairs sa lugar ng Maynila.
Sa isang advisory na inilabas, sinabi ng Manila Water na sasaklawin ng mga pagkaantala ang mga kabahayan sa tatlong barangay sa Mandaluyong, at 93 barangay sa Maynila hanggang alas-12 ng umaga ngayong araw.
Sinabi ng Manila Water na naka-deploy na ang mga tanker sa mga apektadong lugar para dagdagan ang suplay ng tubig habang tinatapos ang repair activities.
Pagkatapos na maibalik ang serbisyo, pinapayuhan ng Manila Water ang mga customer nito na maglaan ng ilang minuto bago gamitin ang tubig mula sa kanilang mga gripo.










