CAUAYAN CITY- Umaabot na sa 301 ang person under investigation o PUIs ang naka home quaratine ngayon sa Isabela na minomonitor ng mga kawani Rural Health Units na mayroong mga mild symptom tulad ng ubo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Arlyn Lazaro, Asst. Provincial Health Officer ng Isabela, araw araw na minomonitor ng mga kawani ng RHU ang mga PUIS na naka-quarantine sa kanilang mga bahay at kapag nakakitaan na lumala ang kanilang sintomas ay irerefer sila sa mga referral hospital.
Inihayag ni Dr. Lazaro na nasabihan na mismo ang mga PUI at kanilang pamilya sa kung ano ang mga dapat gawin at kinakailangang manatili lamang sa loob ng bahay ngunit lumayo sa kanilang kapamilya hanggat hindi gumagaling ang mga sintomas.
Karamihan ng mga PUIs na may mild symptoms ay galing sa kalakhang Maynila na mayroong local transmission ngunit ang mga walang sintomas ay inilalagay sila sa person under monitoring.