-- Advertisements --
Aabot pa ng hanggang 30 milyon mga Filipinos ang hindi pa natuturukan ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles, kasama rito ang tatlong milyong senior citizens o yung may edad 60 pataas.
Dahil dito ay patuloy ang panghihikayat ng gobyerno sa mga mamamayan na magpabakuna.
Lahat aniya ng uri ng bakuna ay gumagana laban sa anumang virus.
Aabot na sa kabuuang 52.8 milyong Filipinos sa bansa ang fully vaccinated laban sa COVID-19 at 3.5 milyon naman ang nabigyan ng booster shots.









