-- Advertisements --
DRUG CLEARED PDEA

Umaabot na sa kabuuang 27,799 mula sa 42,000 mga barangay sa buong bansa ang idineklarang drug cleared na simula ng mamuno ang Marcos administration.

Ito ay base sa latest report sa national anti-drug campaign ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula Hulyo 1, 2022 hanggang Setyembre 30, 2023.

Nasa 7,738 barangay naman ang patuloy pang nililinis ng mga awtoridad mula sa presensiya o kalakalan ng iligal na droga.

Samantala, nakakumpiska din ang PDEA ng kabuuang P28.01 billion halaga ng iligal na droga sa buong bansa sa parehong period.

Sa mga ikinasang operasyon, nasa 64,862 drug sus[ect ang naaresto habang na-dismantle naman ang 726 drug dens at shabu laboratory.