-- Advertisements --
image 222

Dumami pa ng milyon-milyong Americans at Canadians ang apektado dahil sa malalakas na hangin, dala ng winter storm sa North America.

Bagama’t nawalan ng power supply sa ibang bahagi ng North America, patuloy parin ang pagdiriwang ng Pasko ng mga tao doon.

Nagdala ang bomb cyclone ng snow, malakas na hangin at napakababang temperatura, kung saan nakapagtala ng hindi bababa sa 19 kataong namatay.

Kabilang dito ay ang road traffic accident kasama ang 50 na sasakyang nagbanggaan na nagdulot ng pagkamatay ng apat na motorista.

Ang western US state ng Montana ang lubhang apektado na halos bumaba sa -50F ang temperatura, samantalang halos nasa white-out na kondisyon naman ang Minnesota, Iowa, Wisconsin at Michigan.

Zero visibility umano ang Buffalo at New York state ayon sa US National Weather Service (NWS).

Samantala, kahit ang milder southern state ng Florida at Georgia ay hindi nakaligtas sa mababang temperatura.

Ang California lamang halos ang hindi tinamaan ng malamig na temperatura dahil sa mga bundok na nagpoprotekta sa Golden State.

Karamihan sa natitirang bahagi ng bansa, simula sa British Columbia hanggang Newfoundland ay nakakaranas ng labis na lamig at winter storm. (with reports from Bombo Angelica Nuñez)