-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 23,134 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Ito na ang ikalawang pinakamataas na daily cases sa record ng ahensya, mula sa highest na mahigit 26,000.

Samantala mayroon namang naitalang 27,024 na bagong gumaling at 255 na bagong pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.8% (184,088) ang aktibong kaso, 90.6% (2,126,879) na ang gumaling, at 1.56% (36,583) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 16, 2021, habang mayroong dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng dalawang pasilidad na ito ay humigit kumulang 0.3% sa lahat ng samples na naitest at 0.5% sa lahat ng positibong mga indibidwal.