-- Advertisements --

Nakapagtala ang Department of Health (DoH) ng 21,261 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Mayroon ding 13,644 na gumaling at 277 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.7% (177,946) ang aktibong kaso, 90.7% (2,090,228) na ang gumaling, at 1.56% (36,018) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Setyembre 14, 2021 habang mayroong dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng dalawang laboratoryo na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.