Pumalo ngayong araw sa 20,310 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH).
Maliban dito, mayroon namang 7,710 na gumaling at 193 ang pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.8% (158,994) ang aktibo, 90.5% (1,847,701) na ang gumaling, at 1.66% (33,873) ang namatay.
Ayon sa ulat ng DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 1, 2021 habang mayroong anim na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa record, sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng anim na laboratoryong ito ay humigit kumulang 3.8% sa lahat ng samples na naitest at 2.9% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Samantala, 226 duplicates naman ang tinanggal sa total case count.
Nabatid na 219 sa mga ito ay gumaling na pala.
Habang 84 cases naman ang unang tinukoy na recoveries, pero nang isalang sa final validation ay natuklasang pumanaw na pala ang mga ito.