GENERAL SANTOS CITY – Mahigit sa 200 miyembro ng pulisya sa Region 12 ang isinailalim sa training para magsilbing Board of Election Inspectors (BEIs) sa darating na May 13 elections.

Isa ito sa hakbang na ginawa ni PNP 12 Director Police Brigadier General Eliseo Tam Rasco para maging matagumpay ang nasabing eleksyon.

Ang naturang mga pulis o reserve forces ang magsisilbing BEIs kung sakaling hindi tumuloy ang mga guro na tumulong sa eleksyon.

Napag-alaman na ang mga ito ay sumailalim sa training noong Enero 2019 sa Cotabato Police Provincial Office bago ang Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite.

Naging parte ng training ang pag operate ng Vote Counting Machine na responsibilidad ng mga BEI’s sa araw mismo ng halalan.