-- Advertisements --
Tinatayang hind bababa sa 200 hanggang 300 katao ang nasawi matapos na tamaan ng Israel missile ang isang pagamutan sa Gaza.
Ayon sa Palestinian Health Ministry sa Gaza na maraming mga iba pa ang natabunan mula sa mga gumuhong bahagi ng Al-Ahli Baptist Hospital.
Itinuturing ng Palestinian government na isang uri ng war crime ang insidente dahil sa dami ng mga nasawing mga inosenteng sibilyan.
Sa inilabas naman na pahayag ng Hamas na tinawag nila ang insidente bilang isang uri ng “genocide”.
Hindi naman matiyak ng Israel Defense Forces kung natamaan nila ang pagamutan sa mga ipinatupad nilang magkakasunod na airstrike.