-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kinumpirma ng Health and Nutrition Section ng Department of Education – Davao na umabot na sa mahigit dalawang daan ang hinihinalang kaso ng Hand Foot and Mouth Disease galing sa iba’t ibang paaralan sa lungsod.

Ayon sa medical officer ng DepEd Davao na si Dr. Ritchelle Aresco, nasa 232 estudyanye na ang diumano’y nahawaaan ng naturang sakit magmula pa noong Enero ngayong taon.

Bukod pa rito, nasa 6 na ang kumpirmadong kaso ng HFMD, at mayroon pang hinihinalang 2 kaso mula sa Teaching & Non-Teaching Personel, habang 5 ang may probable cases na mga estudyante.

Hindi naman maaring makapag-diagnose ang DepED lalo na sa mga susupected cases kaya hinihikayat nila ang mga nahawaan na magpakonsulta sa barangay health centers o kaya sa pinakamalapit na ospital.

Pinapaalalahanan naman ang mga estudyante na lumiban muna sa face to face classes at pansamantalang bumalik sa modular classes lalo na kung umabot na sa higit sa 10 araw ang nararanasang sintomas lulan ng naturang sakit.

Ang Hand-foot-and-mouth disease ay isang banayad ngunit nakakahawang sakit na maaring makuha mula sa virus na tinatawag na coxsackievirus, at kadalasang nabibiktima rito ang mga bata mula 5 taong gulang pataas.

Pangunahing sintomas nito ay lagnat, pananakit ng bibig, at skin rashes.