
Mahigit 2 milyong jobseekers ang natulungan sa pamamagitan ng Public Employment Service Offices (PESOs) ng mga local government units (LGUs) sa buong bansa.
Iniulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) na 2.4 milyong jobseekers ang nagtrabaho sa pamamagitan ng pagpapadali ng mga PESO, na isinasalin sa isang 91 porsiyentong rate sa buong Pilipinas.
Ito ay 6 na porsyentong pagtaas kumpara sa nakaraang taon.
Ang nasabing serbisyo, na nakabatay sa komunidad at pinananatili ng mga LGU at ilang mga universities and state colleges, ay naatasang tiyakin ang maagap, napapanahon at mahusay na paghahatid ng mga serbisyo sa trabaho.
Nakatala din ang mga nagttrabaho sa mga regional offices ng DOLE para sa koordinasyon at technical supervision, at sa DOLE Central Office upang bumuo ng national employment service network.
Kaugnay nito ay kinilala ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang mga social partners ng ahensya, kabilang ang mga LGU sa pamamagitan ng kani-kanilang PESOs, sa pagkamit ng labor and employment agenda.
Sa ngayon, 643 offices na ang na-institutionalize mula sa 1,592 LGU-based na itinatag na Public Employment Service Offices sa bansa.










