-- Advertisements --

Nasa 2,375 na ang ipapakalat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mga tauhan nila ang ipapakalat sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan.

Sinabi ni MMDA Director for Traffic Enforcement Victor Nuñez, na nakipag-ugnayan na sila sa iba’t-ibang management ng mga malls para maisaayos ang daloy ng trapiko sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

Ipapakalat din ang mga ito sa iba’t-ibang bus terminal, pantalan at paliparan.

Pagtitiyak din nito na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang paglilinis sa mga kalsada ng mga iligal na nakaparadang sasakyan na nagdudulot ng trapiko sa lugar.