Aabot sa 2,100 immunocompromised individuals ang nabakuanhan ng ikalawang booster dose sa buong bansa ayon sa Department of Health.
Ito ay base sa kasalukuyang reports at nagpapatuloy na pagkolekta at pagproseso na data mula sa ground.
Sinimulan ng pamahalan ang pagbabakuna ng ikalawang booster dose para sa mga immunocompromised adults noong araw ng Lunes.
Mula sa datos mula sa National Vacciantion Operations Center (NVOC), ayon sa DOH mayroong 13 million mula sa 51 million kwalipikadong indibidwal ang nakatanggap na ng unang booster dose.
Target ng DOH na makapagbakuna ng 690,000 indibidwal para sa second booster.
Unan rito, nag-isyu na ang Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization para sa pagtuturok ng ikalawang boosters para sa immunocompromised, senior citizens at health workers.
Subalit sa ngayon tanging ang mga ICPs pa lamang ang pinayagang mabakunahan ng ikaapat na vaccine dose.